Sobrang daya talaga ng buhay,
Bakit naman kasi hindi pantay pantay?
Palaging tinatanong ko,
Bakit 'eto ang buhay ko?Alam ko namang may dahilan,
Kung bakit lahat ng ito ay aking nararanasan.
Palaging tinatatak sa isip,
Na ang hirap ay may mabuting kapalit.Ngunit hindi talaga maiiwasan,
Na kung minsan ay mapanghihinaan.
Susuko na lang bigla,
Dahil sa sarili'y labis ang nararamdamang awa.Isinasa diyos na lang ang lahat,
Nagtitiwala dahil alam niya kung anong dapat,
Kabutiha'y para sa lahat isa sa kaniyang layunin,
Pagtitiwala lamang sa kaniya ang ambag natin.Probinsyanatalie_DV
Happy Birthday Mama Mary 🙏🙏🙏