Pagod na pagod na ako sa buhay ko,
Walang nakakapansin dahil palaging nakangiti ang mababakas sa labi ko.
Wala bang marunong magbasa ng emosyon sa aking mga mata?
Na labis na kalungkutan ang tanging makikita?Pagod na pagod na ako sa lahat ng bagay,
Halos naman lahat lahat ay akin ng naibigay.
Pakiramdam ko ay kulang parin ang mga nagawa,
Hindi alam kung ano ang kasalanang nagawa.Sa tuwing nag-iisa ay bigla na lang umiiyak ng walang dahilan,
Ito ba ang tinatawag nilang kapalaran?
Ano ang gaagawin ko?
Dahil ngayon gusto ko ng sumuko.Pagod na pagod na at pilit na lang kinakaya,
Pilit na lang ang sayang dinadarama,
Ano mang oras ay sasabog na,
Ngayon labis ang pagkabahala at pangamba.Probinsyanatalie_DV