Linggong puno ng kalbaryo,
Ito na ba ang tinatawag nilang karma ko?
Dahil sa hindi pagiging mabuting tao siguro,
Kaya nangyayari sa akin ngayon lahat ng 'to?Pangyayaring hindi inaasahan,
Ngayon ay sobrang sakit ng aking kalooban,
Napakagulo ng aking isipan,
Hindi alam ang gagawin maging iisipin ngunit patuloy pa rin na lumalaban.Isang linggo na kami dito sa ospital,
Patuloy paring nagdarasal.
Na sana bumalik sa dati ang lahat,
Simple, masaya at nasa mabuting kalusugan ay sapat.Linggong puno ng katanungan,
Marami ang bulong bulongan na wala namang kasagutan.
Bakit nangyayari ang lahat ng ito?
Bakit humantong sa ganito ang lahat ng ito?
Bakit ako?
Bakit sa pamilya ko?Probinsyanatalie_DV