"Dilim, Liwanag"

104 1 0
                                    

Ano man kadilim,
May liwanag rin na darating.
Madilim man,
Hindi habang buhay na ganoon na lamang.

Dilim kung saan puro itim ang makikita,
Itim nga lang ba ang puro makikita?
Hindi ako naniniwala,
Dahil ano man kadilim may liwanag na mag-aanyaya.

Sumasapit ang gabi kung saan paligid ay madilim,
Maging kalangitan ngunit may buwan at mga bituin.
Na magsisilbing liwanag sa buhay maging isipan ng bawat isa,
Magsisilbing liwanag na ang buhay ng bawat isa ay may halaga.

Nadidiliman man ang buhay minsan ng problema,
Ngunit panandalian lamang dahil napapalitan rin ng saya.
Dumadating agad ang liwanag,
Kung saan ay mas lalong ang bawat isa ay pinapatatag.




                      Probinsyanatalie_DV

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon