Una

27 1 0
                                    

Ilang araw ng wala sa tamang pagtulog,
Dahil sa boses ng kapatid na bagaman malumanay ngunit nambubulabog.
Ilang araw na siya'y iniisip,
Kalagayan ay hindi mawala wala sa isip.

Ngayon ay unang araw sa ospital,
Unang araw na iwan panandalian ang pag-aaral.
Aminin mang napakasakit,
Nagawa ko na at patapos na ang unang araw na puro pasakit.

UTI daw ang sakit niya,
Kaya pala hindi niya magalaw ang mga paa.
Impeksyon sa ihi,
Ngunit sila'y nagkamali.

Leptospirosis ang tunay na nararamdaman,
Sakit na napag-alaman.
Sana siya ay gumaling na,
Nang sa ganoon ay wala ng mas mahirapan higit sa lahat madamay pa sa unang araw na hindi inaakala.


  

                        Probinsyanatalie_DV

Jan. 17, 2024

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon