Nakakabinging katahimikan,
Sumasabay sa aking nararamdaman,
Tanging mga bituin at buwan,
Ang kasama sa kalungkutan.Maraming katanungan na hindi basta basta masagot,
Maraming katanungan na nangangailangan ng sagot.
Pero paano masasagot kung nagdudusa?
Paano masasagot kung nag-iisa't walang kasama?Hindi alam kung may kasalanan bang nagawa,
Para maramdaman ito ng isang katulad ko na nagmumukha ng dukha.
Hindi pantay ang mundo maging ang pagtrato ng tao sa kapwa niya tao,
Hindi pantay ang mundo para maramdaman ito ng isang katulad ko.Sa madilim na gabi na ang tanging nagbibigay liwanag ay mga bituin at buwan,
Hinahawi at hinahaplos ng hangin ang nararamdaman.
Pinapagaan at pinaparamdam na nag-iisa man ay hindi kailangang sumuko,
Gustong iparating na pagsubok lamang iyan na sinusubok kung hanggang saan ang kakayahan mo.Probinsyanatalie_DV