Nakakatawang isipin,
Pero sobrang sakit sa damdamin,
Balitang lumaganap tungkol sa amin,
Naiiba sa naganap sa tahanan namin.Tunay na may pakpak ang balita,
Mapadpad man saang lugar ng may laya.
Kaso ngalang ang detalye ay kulang,
Nalaglag siguro ng nasa kalawakanAno pa ang inaasahan?
Oras na magkaalaman?
Puro tanggi,
Sa huli ikaw pa ang masama higit sa lahat mali.Tao lang na hindi perpekto,
Kasi wala namang perpektong tao.
Bahala na kayo sa isipin niyo,
Bahala na rin ako sa buhay ko.Probinsyanatalie_DV