Kabataan

72 1 0
                                    

Mga kabataan,
Dahilan ng kapayapaan,
Hawak ang mandang kinabukasan,
Kung saan sabi ng namayapang bayani ay pag-asa ng bayan.

Na siyang totoo kaya?
Mukhang unti-unting nawawala ang aking paniniwala.
Mga kabataan na hindi na nga pinapahalagahan,
Ang buhay nakaraan.

Kabataan masasabi kong ibang iba na talaga,
Lalo na't moderno na at nagkaralat ang mga makabagong teknolohiya.
Kabataan ay kaunting problema suko na,
Ang iba ay hindi na pinapahalagahan ang buhay na biyaya.

Kabataang kung makapanlait mangkutya ay mukhang perpekto,
Sana ay huwag naman ganito.
Matuto tayong makontento, lumaban, higit sa lahat magpahalaga,
Sa mga nakalipas na lalo na ang mararamdaman ng ating kapwa.






               Probinsyanatalie_DV

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon