Sama ng loob ang natanggap na regalo,
Ngayong pagsapit ng pasko,
Ngayon ay tanong ko,
Bakit nangyari ang ganito?Kanina lang ay ang saya namin,
Bakit ngayon nangyari ito sa pamilya namin?
Sa akin?
Hindi ko maisip kung ito ba'y aking tatanggapin.Sakit ng dibdib hindi ko alam kung paano lunasan,
Regalong hindi ko inaasahan na makamtan,
Tunay na hindi makakalimutan,
Dala maging kinabukasan.Napapa-isip na lang,
Sana hindi nangyari sa araw ng pasko ang kahihiyan.
Hindi matanggap na regalo,
Pero iyon ang ibinigay sa akin sa araw mismo ng pasko.Probinsyanatalie_DV