Nararamdaman

46 1 0
                                    

Pinapahupa ang nararamdaman,
Ganoon pa man ay hindi talaga mapigilan.
Sobrang sakit,
Hindi maalis kahit anong pilit.

Pag-iyak na lang ang tanging magagawa,
Paninikip ng dibdib gusto ng mawala,
Ano man ang maging itsura ay talagang isinasawalang bahala,
Wala ng maramdamang hiya.

Dinadamang sakit ay napakalawak,
Sa araw na ito ay parang kabiyak,
Sana ang damdamin ay hindi na lang hawak,
Nang sa ganoon sa pagsapit ng pasko ay ramdam ang tunay na galak.

Iniisip na nararamdaman ngayon ay panandalian lamang,
Na darating ang oras na tunay itong lilisan.
Darating rin iyon,
Iyon ang totoo at hindi na mababago 'yon.









                              Probinsyanatalie_DV


Merry Christmas everyone!



#Hindi ako okay ngayon.

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon