Lihim mo akong tiningnan,
Nakita ko naman,
Lihim na napangiti na lang sa unahan,
Di makakilos ng maayos dahil sa likuran.Lihim mo akong hinahangaan,
Pero nabunyag dahil sa mga kaibigan,
Akala mo mapagkakatiwalaan,
Sinabi sa akin dahil sa kadaldalan.Simula ng palaro,
Isa ka sa namumuno.
Hindi alam kung kanino sisigaw,
Nagulat na lang pangalan mo ang naibitaw.Tumingin ang lahat sa akin,
Natitigilang tumingin ka rin.
Pangalan mo pala naisigaw ko,
Sinamaan naman ako ng tingin ng mga higad na nagkakagusto sayo.Pisngi'y namula,
Dahil sa inasta,
Hinihiling na lupa'y kainin na,
Ako ngayo'y hiyang hiya.Nanalo kayo,
Nilapitan mo ako,
Gusto ko ng tumakbo at magtago,
Pero haharapin ko dahil ito ang ginusto ng aking puso.Isang nanunuksong ngiti mo ang bumungad sa akin.
Bigla na lang naging mataray at ika'y inaway.
Pero imbes na pabayaan ako'y sinundan,
Nagsalita ng mga katagang bigla na lang nagpaamo sa aking mukha at nagpagaan sa aking pakiramdam.Walang mapagsisidlan ang saya,
Lalo na sa paraan ng pagtingin mo na parang ako lang ang nakikita,
Inamin ang tunay na nadarama,
Hindi akalaing agad agad na mahuhulog ang loob dahil sa kakulitan at kagandahang loob na ipinapakita.Probinsyanatalie_DV