Marami sila habang ako'y nag-iisa,
Ganoon pa man ay hindi pa rin ako nagpapaapekto sa kanilang mga salita,
Kahit mukhang babagsak na ang aking mga luha,
Pilit pa ring lumalaban nang sa ganoon ay hindi mapahiya.Ang sakit mapagkaisahan,
Lalo na at sa palagay mo wala kang kalaban laban.
Humihingi ng tulong ngunit hindi maisatinig,
Hindi maibigkas ng bibig.Sa hindi inaasahan ay may dumating,
Dininig agad ang hiling.
Ipinagtanggol sa mga mapang-aping tao,
Labis na kasiyahan ang tanging nararamdaman ng puso.Akala ko ay habang buhay na nasa ilalim lang,
Kung saan ay palaging naaagrabyado't pinagkakaisahan,
Sa lahat ng bagay ay napagtutulungan at napagkakaisahan,
Walang tutulong pero may isa pala sa mundo na dadating bilang anghel na ika'y tutulungan.
Probinsyanatalie_DV
Exact date ng nangyari sa akin ito ay Oct. 11, 2023 kung saan pinipilit ko kung ano ang gusto ko, kung ano ang tama pero marami sila't parang wala akong puwang na magsalita. Nahihirapan akong magpaliwanag that time but nasabi ko naman lahat ng gusto kong sabihin pero sila lang ang hindi makaintindi. Buti na lang at may guardian angel na dumating, tumulong sa akin na magpaliwanag at sa huli ay nakamit ko ang karapat dapat, ang gusto ko. Ganoon pa man ay umuwi pa rin akong luhaan dahil ang sakit sakit. Luha na sa simula pa lang ay akin ng pinigilan dahil nakakahiya kung umiyak ako sa kanilang harapan.
I admire them all my life but that day I'm very disappointed.
They disappoint me.