Espesyal na araw; Kaarawan

56 1 0
                                    

Para sa akin ay ang bawat pagdating ng kaarawan,
Dapat pahalagahan at paghandaan.
Dapat masaya,
Kasama ang mga taong mahahalaga.

Kaarawan ngayon ng isa sa mahalaga sa buhay ko,
Isang taong araw araw ay nagtuturo't nagpapayo.
Laking pasasalamat ko na nabigyan ako ng pagkakataon,
Para makasama niya maging sa sandaling panahon.

Gusto ko'y maging masaya siya,
Sa espesyal na araw sa buhay niya.
Turing ko'y pangalawa ng ina,
Na sa paaralan ay palagi naming kasama.

Pasensya dahil talo sa laro ang aming ineregalo,
Sa araw ng kaarawan mo.
Ginawa naman ang lahat ng makakaya namin.
Lalo na't alam na may naniniwala at naghihintay oras na tapos ang laro ano man ang kalalabasan ng game.








                        Probinsyanatalie_DV

11-11-23

Maligayang kaarawan, mahal naming guro🎊🎈

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon