Sertipiko

40 1 0
                                    

Hindi man karapat dapat na pagkalooban,
Ganoon pa man ay labis ang aking kasiyahan.
Na matanggap ngayon ang sertipiko,
Bilang pagkilala sa katayuan at karangalan ko.

Hindi inakala,
Na makatanggap ng pagkilala,
Kung saan pangalan ay nakalista,
Sobrang saya ang nadarama.

Puso'y parang dinuduyan,
Sertipiko ang dahilan,
Tinanggap kahit may pag-aalinlangan,
Sino ako para tanggihan?

Isa sa araw na mahalaga,
Hindi malilimutan ng aking ala-ala.
Sertipiko na tuwing makikita,
Magpapaalala ng lungkot at sayang balita.







                          Probinsyanatalie_DV


Nangyari po ito exactly December 11, 2023 at dahil sa maraming ginawa at palaging nakakalimutan ang aking notebook kung saan ito nakasulat ay ngayon ko lamang na post.

Leadership training po ang tinutukoy ko rito at dahil sa wala kaming pera that time ay hindi ako nasama. 3 days sila doon and then Monday kailan lang ay binigyan ako ni ma'am nang sertipiko at iyon ang tinutukoy ko sa tulang ito. Na register niya daw kasi na ako kaya doon ang pangalan ko.

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon