Pagkakamali

41 1 0
                                    

Anong laban ko?
Sa mga halos perpektong tao.
Na sa bawat araw na lang pinapamukha,
Na hindi ako kabilang dito sa lupa.

Bakit naman kasi hindi pantay?
Ang lahat ng bagay maging pamumuhay.
Isa ako sa nahihirapan,
Na minsan ay hiniling na sana hindi na lang isinilang.

Isa sa pagkakamali,
Na ngayon ay aking binabawi.
Lahat ng nangyayari ay may dahilan,
Kaya ako ganito dahil kailangan.

Huwag isiping walang halaga,
Sa halip isiping naiiba at minsan lang makikita,
Lahat tayo'y may halaga at pakinabang,
Sa lipunang kinabibilangan.


     

                          Probinsyanatalie_DV

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon