Tinatakasan ng luha,
Sa isiping sobrang napakadaya.
Hindi alam kung sa saya ba,
O sa kalungkutang nadarama.Luhang may sariling isip yata,
Hindi ginugusto pero kumakawala.
Minsan iniisip na lang,
Na nahihirapan na siya sa bigat kaya pinapakawalan.Ngayon pa lang ay nanghihingi na ng pansensya,
Dahil sa kagagawan ay may nadadamay na iba,
Luhang papatak na lang bigla kapag sobra na,
Hindi na kaya ang problema at bigat na nadarama.Ngunit naniniwala din ako,
Na pagkatapos ng luha ay titila din ito.
Mapapalitan ng tuwa at ligaya,
Dadating din ang liwanag daan sa masaya at bagong umaga.Probinsyanatalie_DV