Kahit kailan talaga,
Maituturi kong disappointment ako sa mga nakakilala.
Hindi lang sila ang nabigo ko,
Palagi na lang nabibigo ko maging ang sarili ko.Iyon na nga ang sobrang masakit,
Na kailan man ay hindi mababago kahit anong pilit.
Pagkabigong bigla na lang nararamdaman,
Bigla na lang dadating na hindi alam ang kahahantungan.Such a Disappointment! Sigaw ng utak ko.
Hindi makatulog dahil puro ganito ang laman nito.
Wala pang nakakaalam pero parang gusto ko ng magtago,
Parang ayaw ko ng magpakita sa mga tao.Mapanghusgang mukha maging salita nila,
Hindi ko na alam kung may mukha pa ba akong maipapakita.
Kahit kailan talaga,
Isa akong kabiguan sa pamilya.Probinsyanatalie_DV
Sobrang hirap maging consistent honor student talaga. Lalo na kapag ang entrance exam ay hindi mo napasa.