Magpahalaga

45 1 0
                                    

Sobrang bilis ng araw kung lumipas,
Kung saan kahapon lamang ay iniisip kung ano ang mangyayari bukas,
Araw ngayon ulit ay lilipas,
Oras ay totoong naka time-lapse.

Pahalagahan ang bawat galaw ng oras,
Dahil sa isang kisap mata pwedeng mawala ang lahat at nakalipas.
Kung saan ay wala na,
Hindi na talaga maibabalik ang mga nakalipas na.

Huwag dibdibin ang mga nangyayari,
Matutong tumigil at problema'y isantabi.
Huwag masyadong isipin ang kulang,
Kasama ang mga mahal sa buhay ay siguradong mapupunuan.

Araw at oras ay mahalaga,
Huwag masyadong mag-alala sa mga kinakaharap na problema.
Isipin na ito'y magbabago ano man kahirap,
Lalo na at ngayon ay sobrang bilis ng oras.






                                  Probinsyanatalie_DV





🌷 (Congratulations) To the 60 poems.

DaachieVers, matuto tayong magpahalaga.

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon