Naglalakad hindi alam kung saan patungo,
Sa daan ay nag-iisa't nakayuko,
Sa buhay ay sukong suko,
Bakit nangyayari ito gayong ngayon ay araw ng mga puso?Ngayon ay araw na hindi malilimutan,
Araw na hindi lamang para sa magkasintahan.
Araw ng mga puso,
Sa sino at ano man ang makatagpo.Pagmamahalan na nangunguna sa pamilya,
Sa hirap at ginhawa ay unang kasama,
Pamilyang sandalan ang isa't isa,
Sa tuwing may problema.Ngayon ay araw ng mga puso,
Magpahalaga at isapuso.
Pamilya maging ibang tao ay pahalagahan,
Bawat isa ay magmahalan.Probinsyanatalie_DV
21 na ngayon at 14 pa ang Valentine's Day 😁
Trip ko lang po gumawa☺️