Sa hindi inaasahang pagkakataon,
Binoto ako ng mga bago kong kaklase bilang mayor sa aming classroom.
Walang mapagsisidlan ang saya,
Ganoon pa man ay sobrang kaba ang nadarama.Bago sa akin ang lahat,
Hindi alam ang gagawin kung ano ba ang dapat,
Ginagawa naman ang lahat,
Pero pakiramdam ay hindi pa rin sapat.Buwan ng wika ay dumating,
Ipinamalas na karapat dapat din kung tawagin,
Sa sabayang pagbigkas ay ipinakita ang angking galing,
Nang sa ganoon ay hindi nila pagsisihan ang pagboto nila sa akin.Buwan ring iyon nalaman dahil sa isang matalik na kaibigan,
SSG representative daw ako ng aming baitang,
Abot langit ang sayang nararamdaman,
Hanggang ngayon ay nasisiyahan tuwing maalala ang ganoong mga karanasan.
Probinsyanatalie_DV