Wala lang?

36 1 0
                                    

Sabihin mang napakahina,
Ito lang ang nararanasan ay gusto ng mawala.
Pakiusap huwag niyong sabihin iyan,
Dahil hindi niyo alam ang aking nararamdaman.

Marahil sa akda na sinusulat ay wala lang,
Maikokompara sa ibang nakakaranas na hindi pamilya ang problema lang.
Hindi pamilya rin lang naman ang problema ko,
Huwag kayong manguna dahil hindi niyo alam ang kwento.

Pakiramdam na kalaban lahat ng tao,
Bawat tingin nila'y mapapayuko,
Gustong tumakbo,
Higit sa lahat ay ang lumayo.

Wala na akong magagawa,
Tunay na buhay ay napakadaya.
Makahusga ay parang perpekto,
Parang walang kamalian na ginawa sa mundo.



                             Probinsyanatalie_DV

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon