Una Pamilya

42 1 0
                                    

Sama sama kaming natulog na magpapamilya,
Magaan ang loob at nasa kalagayang ayos na,
Nagising na sama sama at kapwa masaya,
Kasama ang pamilya sa bagong taon ay wala na akong mahihiling pa.

Sama sama kaming nagising ng may ngiti sa labi,
Tunay na sa pamilya ay may away bati.
Kamakailan lamang ay nagtatampuhan,
Ngayon ay parang wala lang dahil iniinda ang araw na masayang pinagsasaluhan.

Hindi inaasahan na ganito ang maging bungad ng bagong taon sa pamilya namin,
Tunay na masaya at memorable na kung saan ay wala ka ng mahihiling.
Wala na akong mahihiling pa sa buhay na simple,
Kasama sila ako na'y masaya at kampante.

Una Pamilya,
Masaya at sama sama.
Una Pamilya,
Kasama sila sa bagong taon ang mahalaga.



                        
                      Probinsyanatalie_DV

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon