"Pagbabago"

179 4 0
                                    

Malapit na ang pasukan,
Ilang araw na lang kung ibilang,
Sa totoo sa lang,
Hindi pa ako handa na pumasok ng paaralan.

Marami mang pagbabago,
Dahil dati kong kaibiga't kaklase ay naglaho,
Titigil muna pero may pangako,
Na kahit anong mangyari ay makakapagtapos ng pag-aaral at hindi susuko.

Isang taon na lang,
Tuluyan na akong mamamaalam.
Maghihiwalay na kami,
Bagong kabanata na naman at ang tanging maaasahan ay ang sarili.

Ngayon ang gagawin na lang ay gawing mas masaya pa,
Ang araw araw na ginagawa.
Oras ay napakabilis kung lumipas,
Darating ang araw na sa alaala na lang lahat ng nangyari mababakas.




                     Probinsyanatalie_DV

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon