Buksan ang mata't isipan

11 1 0
                                    

Ganda ng sinag ni Haring araw,
Ngunit nasa malayo ang tanaw.
Iniisip ang katanungang sa isip naghuhumiyaw,
Sinisigaw ang tanong na bakit ikaw?

Ikaw na lang palagi,
Sa ano mang sandali,
Hindi nagbabasakali,
Puro alam na lang ang pagmamadali.

Ito lamang ang masasabi ko,
Na buhay ay 'di perpekto.
Na ang lahat ng gusto ay mapapasakamay mo,
Dadating din sa punto na mararanasan ang pagkatalo.

Buksan ang mga mata maging isipan,
Na ang buhay ay tulad ng sinag ng araw na kung saan ay may katapusan,
Lilipas din ito at mapapalitan ng kadiliman,
Magbibigay ng bagong kaalamang ang lahat ay may hangganan.

         
                      Probinsyanatalie_DV

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon