"Minimithi"

178 5 0
                                    

Minimithi ko ang isang tao,
Na sana ay mapasakamay ko,
Bago matapos ang taong ito,
Pero hindi pwede dahil may nagpapatibok na sa kaniyang puso at iyon ay hindi ako.

Minimithi ko ang isang bagay,
Na sana ay sa akin ibigay,
Bago magbukang liwayway,
Pero hindi pwede dahil iyon ay sa isang tao na nakaalay.

Minimithi ko na sana ay maabot ko,
Ang pangarap na gusto,
Bago ako mawala sa mundo,
Pero hindi na pwede dahil huli na dahil iba ang pinili ko.

Marami akong minimithi,
Iniisip na pambawi,
Pero iba ang pinili,
Kaya ngayon ako'y sa isang sulok humihikbi.



                             Probinsyanatalie_DV

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon