Laban lang kahit walang nakakaalam kung ano ang mangyayari bukas,
Laban lang hanggang sa makamit ang pinapangarap na wakas.
Lahat ay dumadaan din tulad mo sa matinding hirap,
Bago mapasakamay ang hinahangad na magandang hinaharap.Hamon ng buhay ay patuloy na nilalabanan araw araw,
Sakit na dala ay gustong isigaw.
Pananalig na lahat ay malalampasan,
Dahil pagsubok lamang ito na sinusukat ang ating katatagan.Laban lang hindi para sa sarili,
Isipin ang iba maging pamilya na laman ng isipan tuwing gabi.
Lumaban ka kahit sukong suko na,
Pwede kang magpahinga pero ang tumigil ay hindi pwede talaga.Hindi ka mag-isang lumalaban,
Hindi mo lang nakikita dahil patuloy kang nagbubulag bulagan,
Laban lang dahil hirap na kinakaharap ngayon ay iyo ring malalampasan,
Magtiwala ka lang sa maykapal higit sa lahat sa sarili mo na lahat ng nangyayari ay iyo ring makakayanan.-- Probinsyanatalie_DV --