Medical

14 1 0
                                    

Sa sentro namin araw ng Martes ako pumunta,
Hindi umabot dahil tinanghali na,
Ang hirap kapag nakatira ka sa bahay ng iba,
Sa totoo lang ay wala kang laya.

Uunahin kung ano ang mahalaga,
Nakakahiya naman kung iwan iyon na nakakalat pa, 'diba?
Huwebes na ngayon at sana ay matuloy na,
Pagme medical na hindi alam kung makaya.

Araw ng kamalas malasan,
Dumating ang aking buwanan,
Fecalysis at Urinalysis hindi alam kung malalampasan,
Sana ay hindi na humadlang.

Lunes dumating ang resulta,
Buti na lang at hindi na ako pinahirapan pa.
Medical ko normal lahat ng resulta,
Salamat panginoon sa gabay at suporta.






                        Probinsyanatalie_DV

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon