Sobrang dami ng gagawin,
Hindi ko na alam kung anong uunahin,
Higit sa lahat iisipin,
Bakit naman kasi ito'y nangyayari sa akin?Mukhang maiiyak na,
Kasalanan ko naman talaga dahil kung ano ano ang inuuna,
Heto ngayon at nagkakandarapa,
Kung nagawa lang sana ng maaga.Procrastination sa salitang ingles ang tawag,
Na kung hindi pa oras o pasahan ay tinatamad.
Tapos sisihin ang sarili kapag hindi masaya,
Sa nakuhang marka.Ngayon pa lang ay ang mapapayo ko,
Sa lahat ng dumadanas nito maging sa sarili ko.
Iwasan ang ganitong mga ginagawa,
Mas mainam na matuto tayo sa kung ano ang tama.Tama'y hanggat may oras ay gawin,
Ano mang iyang gawain.
Mapaaralan man o ano,
Unahin nang sa ganoon ay hindi na makaramdam ng pagkabigo.Pagpapaliban sa mga gawain ay iwasan,
Tama na ang iilang dahilan,
Matuto sa mga nakalipas na kamalian,
Nang sa ganoon ginagawa ay may kabuluhan.Probinsyanatalie_DV