Wakas?

38 1 0
                                    

Bukas ay pasko,
Kung saan kapanganakan ni Kristo.
Si Kristo na ating tagapagligtas,
Makamit ang inaasam na wakas.

Okasyong mahalaga,
Diwa ng pamilya,
Dapat lahat masaya,
Dapat magkakasama.

Ngunit sa nangyari ngayon lang,
Ito na ba ang maging wakas ng aking kasiyahan?
Kung saan kasama ang pamilyang kinagisnan,
Ito ba ang aking kapalaran?

Ngayo'y naluluha,
Kalaban ang masasakit na salita.
Galing sa taong mahalaga sa akin,
Ito na nga ba ang maging wakas ng mabuting pinagsamahan namin?




                             
                            

                          Probinsyanatalie_DV

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon