Niregaluhan

39 1 0
                                    

Si Sir ang nabunot ko,
Para bigyan ng regalo,
Sa araw ng pasko,
Kung saan ay ginanap sa araw na ito.

Unang kita ko pa lang,
Sa kaniyang pangalan,
Hindi nakagalaw sa kinatatayuan,
Dahil siya ang unang guro na nabunot ko ang pangalan.

Halos lahat na materyal na bagay ay sa kaniya na,
Hindi alam kung sa regalo ko ba'y matutuwa,
Pero sana,
Sana maging masaya at makitang gamitin niya.

Kapag lalaki talaga ang hirap basahin,
Aakalain at iisipin na ayos na iyon pero hindi agaw pansin.
Hindi alam kung masaya't nakontento ba siya,
Ano ang magagawa ko kung iyon lang talaga ang nakaya, 'diba?






                                Probinsyanatalie_DV



NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon