Susi

8 1 0
                                    

Ayaw ko sa lahat ay dinidiktahan kung anong gagawin ko,
Na para bang walang kalayaan na piliin ang gusto.
Pinapangunahan sa bawat gawin,
Hiling na sana'y kakayahan huwag maliitin.

Paghihirap kailan kaya matatapos,
Susi ay kailangan sa kadenang nakagapos.
Kaya ko ang lahat dahil ako'y may lakas,
Bigyan lamang ako ng sapat na panahon at oras.

Sa ngayon ay may sarili nga akong buhay,
Ngunit sa tingin ko'y ako lamang nakikisakay.
Dahil may nagmamaniobra nito,
At ang masakit ay parang 'di ako.

Sa ngayon ay pilit na kinakaya,
Papasaan rin ako'y makakalaya.
Sa ngayon ay pilit na nag-iipon ng lakas,
Sa masaya at malayang bukas.





                         Probinsyanatalie_DV

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon