Sana Ay

36 1 0
                                    

Sana'y iyong mapansin,
Makahulugan kong tingin.
Bakit ka ganiyan?
Paasa ka talaga kahit kailan.

Sana'y iyong makita,
Pahiwatig na mga salita.
Bakit naman kasi para kang bato?
Sarap mong pugpugin ng martilyo.

Sana'y iyong maramdaman,
Aking nararamdaman,
Bakit ba parang hindi ka nakikiramdam?
May kulang ba? Nang sa ganoon ay aking mapunuan.

Sana ay wala akong masabing sana,
Sana ay nararamdaman sa iyo ay tuluyan ng mawala,
May nagmamay-ari na pala sa iyo,
Kung mas inagahan ko pa sana eh di sana iyon ay ako.



                             Probinsyanatalie_DV

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon