Sa tanang buhay,
Sa araw lamang na ito nakasakay.
Wala ng atrasan,
Tunay na kami ay lulan ng Ambulance.Lulan patungo sa pagamutan,
Kasama ang isa sa kapatid namin sa biglaang karamdaman.
Hindi alam,
Walang kaalam-alam.Kaybilis lumipas ng araw,
Kaydami ng nangyari sa labin isang araw.
Ngayon ay lulan na naman ng Ambulance,
Pauwi sa tahanang pansamantalang iniwan.Buti na lang at karamdaman ay agad na naagapan,
Buti na lang na may maaasahan.
Maaasahan sa mga bagay bagay,
Na kung magmamatigas pa ay maaring maging kapalit ay buhay.Probinsyanatalie_DV
January 17 & 26, 2024