Ngayon ay ang pagsapit ng kaniyang kaarawan,
Kung saan siya'y magdadalawampu't siyam.
Panganay sa aming magkakapatid,
Tinitiis lahat para sa kahirapan kami'y maitawid.Breadwinner ng pamilya,
Ang tawag sa kaniya,
Simula umpisa siya'y nakasuporta,
Kahit mukhang hindi na kaya.Hindi sapat ang salitang 'Salamat',
Ganoon pa man ay paulit-ulit kong ibibigkas.
Salamat sa lahat,
Balang araw ay mapapalitan rin namin ang iyong hirap.Sana ngayon sa iyong kaarawan,
Naisip mong magpahinga kahit panandalian lang.
Isipin mo kahit ngayon lang ang iyong sarili,
Maging masaya kahit wala kami sa iyong tabi.
Probinsyanatalie_DV
Happy '29th' Birthday 🎂🎈🎊