Kauna-unahang Tandang

55 1 0
                                    

Kauna-unahang tandang na inalagaan namin,
Na masasabi kong napamahal na sa amin.
Kay saklap ng pagkamatay,
Kakilala na malapit sa amin ang pumatay.

Hindi inaasahan,
Walang nagawa kung hindi ang tumingin sa kawalan.
Habang iniinda ang sakit,
Nang tanghalian ay sumapit.

Hindi alam kung ano ang nagawa,
Kung bakit sumapit sa kaniya ang ganoong pagkawala,
Hanggang sa kami'y mapaluha,
Dahil hanggang sa titig na lang ang tangi naming magagawa.

Wala na siya,
Wala nang mag-iingay sa bahay namin tuwing umaga.
Isinasa karma na lang,
Ang gumawa no'n sa aming kauna-unahang tandang.



                 Probinsyanatalie_DV

10-30-23.

This date will bring back the memories.

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon