Nag-iisa,
Sinasarili ang problema,
Pilit na kinakaya,
Kahit sobrang sakit na ang dinadarama.Ano ang gagawin ng isang tulad ko,
Na marami man ang nakapaligid ay gustong isolo.
Ayaw nang may madamay,
Ayaw nang may kaagapay.Pamilya't kaibigan ay parating nariyan,
Handang makinig sa dinadamdam,
Kulang na lang ang lapitan,
Sa kalungkutan tunay na maaasahan.Naluluha ngunit hindi pinapakita,
Nasasaktan pero binabalewala.
Ano man ang kahihinatnan,
Alam kong nararamdamang ito ay aking makakayanan.Probinsyanatalie_DV