Ngayong may iba ka na,
Hiling na sana maging masaya ka sa buhay niya,
Tunay na masaya ako sa inyong dalawa,
Kahit na parang may karayom na nakatarak sa aking dibdib tuwing nakikita ko kayong masayang magkasama.Makasarili akong tao,
Gusto ko ay akin ka lang at ako'y sa'yo.
Kahit wala akong karapatan,
Dahil ang totoo ay hanggang kaibigan lang.Iba na ngayon ang ginagalawan mong mundo,
Kung saan ay may nagmamay-ari na sa iyo.
Sana kayo'y magpakatotoo,
Magkasama hanggang dulo.Masaya ako na nakilala kita,
Lalaban ako at magpapakatatag kahit sobrang sakit na,
Kahit mukhang sasabog na ang nadarama,
Kakayanin nang sa ganoon ay hindi makasira.Probinsyanatalie_DV
Mayroon na siyang 'Girl' at ang sakit pero ganoon pa man ay lalaban ako hindi para sa kaniya kun'di sa sarili kong mukhang susuko na sa tuwing makikita na masaya sila sa piling ng isa't isa.
Dec. 11, 2023 rin nangyari po ito.