Sa susunod na taon ay lalayo na ako sa pamilya ko,
Sa susunod na taon ay mawawalay na ako sa pamilyang kinamulatan ko.
Hindi ko pa man alam kung ano ang mangyayari sa akin,
Pero nakakasigurado ako na panandalian akong mawawala sa kanilang piling.Sa susunod na taon ay mag-uumpisa na akong lalaban mag-isa,
May pamilya mang nag-aalala pero hindi panghabang buhay na sa kanila na lang ako aasa.
Kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa dala ang kanilang mga gabay,
Na gagawin kong inspirasyon sa pang-araw araw kong buhay.Sa susunod na taon ay mas lalo akong maging malakas at matibay,
Dala ang aking angking husay,
Sa susunod na taon ay maipapakita ko,
Na ang taong may pangarap at determinado ay nagtatagumpay sa larangang gusto.Ngayon ay gagawin ang mga dapat gawin,
Kasama ang pamilya maging ang mga taong mahahalaga sa akin.
Dahil sa susunod na taon ay bibihira ko na lamang silang makikita't makasama,
Bibihirang gawin ang gusto dahil may tutuparin ako't tutuhanin para sa pamilyang kinabibilangan ko.Probinsyanatalie_DV