LUHA,
Apat na letra isang salita,
Kung saan nagbabalita,
Sobrang sakit ay nagbabanta.LUHA,
Lahat mapa hayop o tao ay naluluha,
Ipinanganak man na maharlika o dalita,
Bahagi na ng buhay mula pagkabata.Naluluha man,
Dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman,
Isipin na ito'y panandalian lamang,
Kung saan lilipas rin kinaumagahan.Luha ang magpapatunay,
Na ikaw ay isang matibay.
Isipin na bawat luha na pumapatak,
Ay isang panibagong pag-asa at saya ang naghihintay sa hinaharap.Probinsyanatalie_DV