Kasabay ng pagpatak ng mga luha,
Ay ang paglaya.
Sa madilim na nakaraan,
Kung saan dala sa kasalukuyan.Puno ng sakit,
Dinadaing ang hinanakit,
Noong una'y pinipilit,
Na makaalis sa parang kadenang nakabigkis ng walang kasing higpit.Ngayon ay unti unti ng nakakamtan,
Kalayaang hangad kailan lang,
Kasalanang hindi nagawa ay pinagbayaran,
Ano pa ang kulang?Lahat ay ginawa na,
Kalayaan ay abot kamay na,
Sana ay mapasakamay na talaga,
Hindi na talaga kaya kapag pinatagal pa.
Probinsyanatalie_DV