Basta na lang mamumuo,
Kung sobrang bigat na ay bigla na lang tutulo.
Kapag may naramdamang hindi kaaya-aya,
Luhang nag-uunahan kapag ika'y malungkot o 'di kaya'y masaya.Luhang hindi nagsisinungaling,
Kung ano nga bang tunay na nararamdaman natin.
Mapalalaki man o babae,
Walang sinasanto't pinipili.Walang taong 'di lumuluha,
Bahagi na ng buhay natin ito maging sa simula.
Gamit ang luha ay makikita ang tunay na nararamdaman,
Gamit ang luha ay tunay nating nararamdaman ay gumagaan.Tandaan na ang luha ay isang instrumento,
Kung saan ay dala natin saan mang dako.
Ito ay nagpapabuo sa atin,
Ano mang gawin natin.
Probinsyanatalie_DV