Pinagkakaisahan at heto ngayon luhaan,
Tinatahak ang madilim na daan,
Patungo sa lugar na walang kasiguraduhan,
Kung anong buhay ang nag-aabang.Pilit na pinapatatag ang loob,
Kahit mukhang hindi na kaya ng mga tuhod.
Nag-iisa man hindi pa rin susuko sa laban,
Hanggang sa malagpasan ang hindi kaaya ayang nararamdaman.Kaya, kinakaya, at kakayanin,
Lalo na kung may gustong patunayan at maangkin.
Nag-iisa man hindi basta basta susuko,
Nang sa ganoon tuluyang mapatunayan at hindi na makabigo.Madilim man sa ngayon pero naniniwala akong darating ang liwanag,
Kung saan magbibigay ng bagong paliwanag.
Magsisinag sa lahat,
Nang sa ganoon mabigyan ng linaw ang madilim at saradong utak.
Probinsyanatalie_DV