Sa dagat ng hirap,
Mayroong pangarap,
Pangarap na gustong malasap,
Gustong mayakap.Ano ang gagawin,
Pinipilit ang sarili na kayanin.
Paghihirap na kakambal ng buhay,
Hindi alam kung magtatagumpay.Kahirapan ng buhay,
Bakit sa akin ibinigay?
May rason nga ba?
May dahilan nang sa ganoon matigil ang pangangamba?Hindi na alam ang gagawin,
Maging ang iisipin.
Suko na ako ngunit marami ang naniniwala sa kakayahan ko,
Na ano mang paghihirap dito sa mundo ay malalampasan ko.
Probinsyanatalie_DV