Minsan

22 1 0
                                    


Minsan nakakalimutan kong tao lang pala ako,
Taong nasasaktan at napapagod dahil 'di naman perpekto.
Minsan nakakalimutan na lahat ay may hangganan,
Na kung anong kinakaharap ay tunay ring malalampasan.

Minsan kung ang isang bagay ay malayo pa,
Tunay na magmamadali basta't bahala na,
Ngunit kapag ang isang bagay ay malapit na,
Bilang na ang araw ay tunay na mababahala.

Minsan nakakatakot sumugal,
Sa isang bagay na sa huli ay masasakal.
Minsan nakakatakot mag-isa,
Nakakatakot magmaniobra ng sarili mong pahina.

Tandaan na bahagi ng buhay na may pagdadaanan ka,
Minsan ay matatakot at mapapagod ka.
Ngunit huwag mabahala dahil lahat ay may hangganan at minsan lang kung mangyari,
Kaya lumaban ka, tatagan ang loob at huwag sumuko dahil ang oras ay mabilis kung lumipas baka sa huli ika'y magsisi.




                              Probinsyanatalie_DV

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon