Guro namin ay hindi katoliko ang relihiyon,
Hindi alam ang gagawin ng may dumating na okasyon.
Hindi ako gumawa ng hakbang na akin palang pagsisihan,
Iyon na yata ang isa sa hindi ko malilimutan.Araw ng mga guro iyon,
Minsan lang kung dumating pero pinalagpas ko ang pagkakataon,
Akala ko ayos na,
Hindi pala tama ang aking ginawa.Sa totoo lang ay may kalungkutan na nararamdaman,
Aminin man sa hindi pero ako'y labis na naapektuhan,
Tumitingin sa kawalan,
Lalo na nang kami pagsalitaan at sabihan ng mga salitang hindi ko makakalimutan.Pagbati at paggawa ng mensahe ang tanging ginawa,
Ginawa ang lahat pero sa tingin ko ay hindi pa rin sapat.
Lumagpas na iyon at hindi na mababalikan,
Ngayon ako na'y naliwanagan na ang araw ng mga guro ay pahalagahan,
Huwag kalimutan,
Dahil sa kanila tayo ngayon ay may sapat na kaalaman.
Probinsyanatalie_DV