Ginagawa ang lahat kahit mahirap,
Para sa tinatawag na pangarap.
Hindi man ganoon kadali para makamtan,
Ginagawa ang lahat para sa inaasam.Lahat ng taong mahihirap ay mayroong pangarap,
Yun ay ang makaahon sa hirap.
Kayang gawin pero kayang tiisin,
Taong mahal at hirap sa buhay ang inspirasyon natin.Ako'y isang batang may pangarap na gustong makamtan,
Minsan nanghihinaan ng loob at marami ang tanong sa isipan,
Bakit kailangan pang magpakahirap para sa inaasam?
Tanong na masasagot ko rin hindi man ngayon pero sa kasalukuyan.Para sa magandang kinabukasan gagawin ang lahat,
Ang hirap ay panandalian lamang at ito'y tiyak,
Walang mahirap sa taong may pangarap,
Kasabihang pinaniniwalaan ko't sa isip at puso nakatatak.
Probinsyanatalie_DV