Warning: Read at your own risk
♥♥♥
Halloween party, masaya ang lahat, pero kami, hindi."'King ina naman, Patrick. Iiyakan mo na naman kami?" sermon ni Clark.
"She rejected me . . ." Umiiyak na naman si Patrick habang nakaupo sa gutter malapit sa entrance ng Intramuros.
Si Rico ang unang lumingon sa direksiyon ko. Bumaba agad ang tingin niya kay Kyline na hawak ko sa batok.
"Hi, Ky!" bati niya.
Nakuha agad n'on ang atensiyon ni Clark at napalingon agad sa amin.
"Kyline, my love and forever!" Patakbo pa lang siya para yakapin si Kyline, dinuro ko na siya.
"Tumigil ka diyan, Clark."
Napahinto siya at sumimangot. "Seloso?"
"Puta ka." Binantaan ko siya ng kamao at si Rico ang sunod na tiningnan ko.
"What happened?" tanong niya at inginuso si Ky.
Tinapik ko sa balikat si Kyline at sinabihan siyang ipakita ang light green swimsuit with ruffles costume niya kay Rico. Saglit niyang inalis ang yakap niyang cape ko at sabay-sabay na napataas ang kilay ng barkada ko sa nakita nila.
"Ang cute mo naman, my loves!" papuri ni Clark, ang lapad pa ng ngiti.
Sumimangot lang si Rico at nagmuwestrang ibalot ulit ni Kyline ang cape niya sa katawan.
"Costume mo 'yan?" tanong ni Rico na nagki-cringe kay Kyline, same kami.
Tumango naman si Ky paglapit namin. "I'm Tinker Bell."
"Oh, I see."
"Pangit ba 'ko, Ronie?" nagtatampong tanong Ky.
Napangiti nang sobrang pilit si Rico, halos ipakita lahat ng ngipin. Kahit ang tingin niya, parang nandidiring ewan. "Actually . . . uhm, well, you're cute."
"Sabi ni Leo, ang kadiri daw!"
"Hoy, Leopold! Bakit mo inaaway my loves ko?!" Naghabol na ng sipa si Clark sa akin kaya pinagsisipa ko rin siya.
"'Tang ina mo, ha. Hindi ka titigil?"
Para kaming tangang dalawa na nagsisipaan habang umiiyak si Patrick sa gilid at nanonood lang sina Rico sa amin.
Si Patrick ang problema namin dito kaso kasi ang gago talaga, e. Mag-propose ka ba naman sa kung sino, e ni hindi nga niya kilala nang sobra 'yon.
Wala naman siyang sinasabi kung bakit hinahabol niya 'yong Melanie. Hindi rin namin sigurado ang mukha ng babaeng 'yon kung sobrang ganda ba at parang head over heels nang sobra si Pat sa kanya.
"Dude, hindi tayo kasya sa kotse," bulong sa akin ni Rico kasi isasabay nga namin si Kyline pauwi.
Hindi kasi niya dala ang van nila. Sedan nga lang iyon. Tatlong tao sa back seat, isa sa front passenger seat, isa sa driver's seat malamang. Panlimahang tao, kasya kami, kaso si Kyline ang makikisiksik.
"My loves, kandong ka na lang sa 'kin!" alok ni Clark na nagbukas ng pinto sa backseat.
"Clark, doon ka muna sa trunk," seryosong utos ni Rico.
"Ano'ng sabi mo?" Biglang sumeryoso si Clark at binangga-bangga ang balikat ni Rico para maghamon. "Hoy, Dardenne. Nagbabayad ako ng gas, ha."
"Shut it." Hindi naman na-offend si Rico, natatawa pa nga nang dakmain ang mukha ni Clark. "Ang pangit mo, dude."
BINABASA MO ANG
ABS #3: Leopold Scott
RomanceWARNING: With mature and sensitive content. Read at your own risk. Alabang Boys Series #3 Leopold Scott came from a dysfunctional family, and creating one for himself was never in his future plans. However, meeting Kyline Chua is like confronting hi...