Chapter 43: Anxiety

691 44 11
                                    



"O, parating na raw si Linda," paalala ni Manang.

Kinakabahan ako. Masama pa rin kasi ang timpla ng mama ni Kyline sa 'kin.

May karapatan naman siya. Ina-acknowledge ko 'yon, matagal na panahon na. Pero nag-cha-chat siya paminsan-minsan sa 'kin. Pero halata sa chat niya na aburido siya. E, di tinatapatan ko rin. Kasi, ang akin, kung mai-intimidate ako sa kanya, lalamunin niya ako nang buo. Hindi naman sa hindi ko siya iginagalang, pero nakakabuwisit kasi.

"Basta, huwag kang mag-alala't ako'ng bahala sa 'yo," sabi ni Manang habang tinatapik ang likod ko.

"Salamat ho, Manang."

Mabait sa mabait si Manang Chona. Real talk lang madalas, pero mabait. Pinagagalitan din naman niya ako araw-araw kasi matigas ang ulo ko, pero hindi gaya sa mama ni Kyline na tagos sa buto kung magalit. May death threats din naman ako galing kay Manang pero hindi nakakatakot kasi idinadaan niya sa biro.

Pumasok na sa bakuran ang maroon pickup truck na maraming kargang kahon. Sa windshield pa lang, nakikita na agad ang mama ni Kyline na nakasuot ng shades. Si Gina ang driver.

Si Gina, casual siya. Hindi ko masabing kakampi pero hindi ko rin masabing kaaway. May times na side siya sa akin kapag tama ako, may times na sa mama ni Kyline siya pumapanig. But either way, masasabi kong kaya niyang tumimbang ng sitwasyon kasi kapag mali ang punto ng mama ni Ky, kontra agad siya. Ang reason niya, "Mahal ko si Belinda, pero kapag may point ka, iko-consider ko 'yon kasi may point ka." Kaya masasabi kong coherent din siya kapag kinausap nang seryoso.

Si Belinda Brias, aaminin kong nakakatakot naman talaga. Pero hindi na ako natatakot sa kanya mula nang sunod-sunod ang death threat ko tapos until now, humihinga pa rin ako. Nagkaka-anxiety ako pero hindi niya ma-trigger ang anxiety ko kasi umaangat ang pagkairita ko sa ugali niya.

Bumaba na sila ni Gina sa sasakyan at tiningnan ang bahay mula sa gate, na para bang ang tagal nilang nawala. Mahigit tatlong buwan lang naman.

Lesbian couple sila, pero hindi ko masabing may tomboy sa kanilang dalawa.

Si Gina, aaminin ko, maganda talaga. Maikli ang buhok pero hindi boy cut. Mukha siyang mas payat pang version ni Jennifer Lawrence na naka-pixie cut. Maamo ang mukha kahit maangas ang porma. Mahilig pa sa makeup na medyo punk saka may tattoo ang buong braso. Mas maliit siya kompara sa mama ni Kyline. Hanggang balikat lang siya. Maangas siyang kumilos at bagay silang magkumpare ni Clark, pero hindi pa rin siya masasabing tomboy sa kabila ng lahat ng 'yon.

Si Belinda Brias, may vibe ni Lara Croft, Charlize Theron, at Milla Jovovich sa Resident Evil. Nabubuwisit ako sa idea na matangkad siya at kayang-kaya niya akong tapatan kapag naghaharap kami. Mahaba ang buhok niya, mahilig pa sa makulay na damit maliban sa white. Sa kanya namana ni Kyline ang tindig. May partikular na tindig si Kyline na pang-beauty queen, ganoon din sa mama niya. Pero sa katawan, kahit maganda ang kurba ni Kyline, halatang na-maintain ang katawan ng mama niya. Malaki ang dibdib, flat ang tiyan na may abs, malaki ang balakang. Tapos long-legged pa. Tapos kung maglakad, parang pusa, inaangkin ang daan.

Kung nakuha lang talaga ni Kyline ang angas ng mama niya, baka high school pa lang kami, pinagpapantasyahan ko na siya.

Kaso sayang lang kasi mana si Kyline kay Sir Adrian. Mahinhin na makapal ang mukha na apologetic. Hindi magandang kombinasyon, parang dumaranas ng identity crisis minu-minuto.

"Ehem." Napalinis ako ng lalamunan kasi kami ni Manang ang sumalubong sa kanila kung sakaling may ipapabuhat sa loob.

"Linda, may bagahe?" tanong ni Manang.

ABS #3: Leopold ScottTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon