"Bakit mo kini-kiss ang kamay ko, Leo?"Hindi ko na mabilang kung pang-ilang tanong na 'yan ni Kyline mula pa kagabi.
Unang-una, hindi lang naman kamay niya ang hinahalikan ko. Sa daming beses ko siyang hinalikan, nagtataka ako kung bakit yung sa kamay ang pinupuna niya.
Hinahalikan ko siya sa kamay, sa balikat, sa tiyan, sa sentido, sa noo, sa tuktok ng ulo, sa labi kapag hindi siya nakatingin, sa pisngi, sa leeg minsan kapag yakap ko siya, kaya nga litong-lito ako na bakit ko raw siya hinahalikan sa kamay?
O siguro kasi, ito ang madalas niyang makitang hinahalikan ko. Kasi, kung tutuusin, mas madalas ko siyang halikan sa balikat kaysa sa kamay dahil nga nakasandal siya sa 'kin kapag natutulog siya o kaya siesta namin.
Siguro, ganoon talaga ka-slow si Kyline. Sa bagay, nasasanay na rin naman na ako.
Panibagong umaga, akala ko, ligtas na ako sa tita niyang papansin. Pabalik pa lang ako sa kuwarto niya kasi nagpalit ako ng pambahay na T-shirt, biglang humarang sa tapat ng pintuan si Ma'am Shan saka ako nginisihan.
"Aga mong magising, ha?"
Ang talim ng tingin ko sa kanya. 'Yon lang ang sinabi niya saka siya nag-hum paalis sa harapan ko.
Mukhang may exercise din siya ngayong umaga—na hindi ko na dapat ikataka kasi siya nga ang nagpapahirap sa amin noong high school kada exercise. Pero himalang hindi nanghipo. Akala ko, makakasuntok ako para sa kunwaring self-defense.
"Yung tita mo, talagang nang-aasar, ha?" bungad na bungad ko kay Kyline pagsara ko ng pinto ng kuwarto niya.
"Bakit?"
"Nanghaharang ng daanan," sumbong ko. "Kapag ako nainis d'on, sasapakin ko 'yon."
"Grabe ka!"
"Mukha namang sanay sa sapakan 'yon."
Tingin naman ni Kyline, hindi ko papalagan ang tita niya?
Nakabihis na siya ng pang-exercise niyang damit. Yung sports bra na black at kulay neon green ang tahi saka leggings niyang itim.
Kada umaga, ganito kami. Ako na ang nagsusuklay saka nagtatali ng buhok niya. Nakaharap kami sa salamin tapos aayusan ko siya sa harap n'on.
"Hayaan mo na lang si Tita Shan," sabi niya. "Umalis na ba sina Mommy?"
"Sabi ni Belinda, hindi raw muna sila papasok ni Gina."
Buti na lang talaga at hindi sumasabay sa inis ko kay Ma'am Shan si Belinda. O baka kasi madalas siyang busy sa phone at sa inventory. Kada kita ko sa kanya, lagi siyang nakasimangot sa phone at hinahayaan na lang ako kahit magkasalubong kami.
"Okay na. Tara na sa ibaba," aya ko kay Kyline. Hawak ko ang kamay niya at inuman ng tubig pagbaba namin.
Gusto ko sanang sumabay sa exercise nina Gina ngayong umaga, pero hindi ako magpapapawis habang may papansin sa ibaba na pinagtitripan ako.
Unang-una, ayoko ng kina-catcall ako. Hindi ako sumisipol sa babae. May conflict kami ni Mama, pero hindi niya ako pinalaking bastos. Si Gina, mahilig sumipol, pero hindi ko pa siya narinig na sipulan ako unless mang-iinis siya kasi nagtatalo kami ni Belinda.
Higit sa lahat, nababastusan ako sa mga taong walang pakialam sa paligid nila kung nakaka-offend na sila o ano. Si Daddy, kapag kasama noon si Mama at nakikita ko siyang nakangisi sa ibang babaeng dumaraan, nabubuwisit ako. Mas lalo na sa mga babaeng nakita na ngang kasama ni Daddy ang mama ko, magpapapansin pa. Tapos si Daddy, ie-entertain pa.
BINABASA MO ANG
ABS #3: Leopold Scott
RomanceWARNING: With mature and sensitive content. Read at your own risk. Alabang Boys Series #3 Leopold Scott came from a dysfunctional family, and creating one for himself was never in his future plans. However, meeting Kyline Chua is like confronting hi...