"Dude, gago, nagkaka-anxiety na 'ko, for real."
Bungad na bungad ng unit ko si Clark na may hawak na papel na gusot-gusot. Ipinakita niya agad sa amin ang nakasulat doon gamit ang pulang pintura.
"We're watching you."
Ang sama na agad ng tingin ko kay Patrick.
"Sino yung kasama mong babae?" tanong ko.
Kararating lang sa amin ng balita. Kalat na kalat sa cyberspace ang anonymous post ng isang nagpakilalang "Daphne's Killer" para sa confession na may title na "Apollo's Heartbreak".
Sabi pa namin, wala lang 'yon. Iisang babae lang naman 'yon. Pero sa mga die-hard fan ni Patrick Lauchengco, hindi 'yon madaling ipagsawalang-bahala.
Naintindihan naming guwapo siya. Okay na kami sa may mga pa-love letter siya galing sa school, pero hindi ganoon ang kaso. Hindi male character sa mga animé at YA pop fiction na solve na ang lahat sa tatapak siya sa school at titili ang lahat ng babaeng makakakita sa kanya.
It was far from that fucking trope kasi ang fans ni Patrick, mga psychotic na.
Walang matinong tao ang magpapadala ng obsessive letter na may nilaslas na pulso sa crush niya para lang sabihing piliin siya nito. At walang matinong tao ang magbabasag ng bintana ng may bintana para lang sabihing walang aagaw kay Patrick sa kanya—as if namang kaya silang syotaing lahat ni Pat.
Wala kaming idea kung ano at saan nagpupunta si Patrick o kung sino ang mga kinakausap niya.
We have our own lives and commitment, but as much as possible, kung kaya naming bantayan ang isa't isa, ginagawa namin.
Walang personal yaya si Patrick. That happened kasi nangako si Clark kina Sir Bobby na babantayan namin si Patrick kapalit ng hindi na siya magya-yaya.
Second year college na si Patrick, for the record. And besides, nasa legal age na siya, and he should know what's right and what's wrong. And we are in the worst situation right now dahil sa kanya.
"Pat," tawag ni Rico, mabigat, nagbabanta na. Tinatanong din kung sino ang kasama ni Patrick na tinutukoy sa confession.
Napayuko siya bago sumagot. "Si Mel."
Ang lakas ng tunog ng paggasgas ng tela nang tumayo si Calvin sa foldable mattress at kinuwelyuhan si Pat.
Walang pumigil sa amin.
"Si Mel, hmm?" Hindi na ako nagulat kung galit si Calvin.
Kung kami ngang kaibigan, nakakaranas ng ganitong harrassment, what more ang content ng confession na nagbabanta nang papatayin si Melanie?
"Pat, ano na naman ba 'tong ginagawa mo? Nag-usap na tayo, di ba?" sabi ni Calvin, nanggigigil nang manakit.
"I didn't know she was there! Pumunta akong mag-isa sa club!"
"At hindi mo na naman sinabi sa 'min?"
"Dapat ba lahat, sasabihin ko sa inyo?!" sigaw sa amin ni Patrick, at umiiyak na naman siya. "Hindi ba 'ko allowed uminom mag-isa kapag gusto ko? I was avoiding Melanie, okay? I tried! Akala n'yo ba madali? You weren't the one bearing the pain kaya hindi n'yo 'ko naiintindihan! Ginusto ko bang masaktan, ha?"
"Pat, babae lang 'yan!" galit nang sermon ni Clark. Mas lalong wala nang pumigil sa amin ni Rico. "Isang babae lang 'yan! Ang dami diyang iba, mamimili ka na lang!"
Dinuro ni Calvin si Patrick bago nagbanta. "Kapag may kumanti kay Mel dahil diyan sa mga baliw mong stalker, I'm telling you, Pat, everything is over."
Sa aming magbabarkada, si Clark ang pinaka-vocal kapag may nagugustuhan siyang babae. Wala pa nga sila sa talking stage, nagkukuwento na siya. Pero sa dulo, busted din naman. But we never saw Clark cried o ma-offend man lang sa bawat rejection sa kanya. Like what we know, nilalaro lang ni Clark lahat. Pero hindi na niya kayang laruin ang nangyayari ngayon.
BINABASA MO ANG
ABS #3: Leopold Scott
RomanceWARNING: With mature and sensitive content. Read at your own risk. Alabang Boys Series #3 Leopold Scott came from a dysfunctional family, and creating one for himself was never in his future plans. However, meeting Kyline Chua is like confronting hi...